16 March 2011

Bakit Baliktad Magbasa ng Libro ang mga Pilipino?

Bakit Baligtad Magbasa ng Libro ang mga Pilipino?Bakit Baligtad Magbasa ng Libro ang mga Pilipino? by Bob Ong
My rating: 2 of 5 stars

Matagal-tagal rin bago ko ulit sinubukang bumasa ng gawa ni Bob Ong. Eto pala ang sikreto... Wag basahin nang sunod-sunod ang mga likha niya para di ka madismaya. Kung naging 'predictable' man siya, ito marahil ay dahil hindi nabigyan ng pagkakataong dumaloy at sumiit sa isip at puso ang mga unang likhang nabasa.


Nasyonalismo ang nais iparating ng aklat na, "Bakit Baliktad Magbasa ng Libro ang mga Pilipino?" Hindi yung tipong nanghihikayat mamatay para sa bayan kundi yung tipong, "Higit sa pagiging Pilipino, sino at bakit ka naging gayon?"


Huwag gawing literal ang pamagat ng aklat. Baliktad nga bang magbasa ng libro tayong mga Pinoy? Alam natin ang sagot dito...


Marahil ay sa ibang bagay tayo "baliktad". At gaya ng layunin ng aklat na ito, hindi sa pamimintas at panghuhusga ang nais ibahagi at iparating ng aklat. Higit sa ano pa man, nais nitong mamulat tayo sa katotohanang hindi sapat na maging Pilipino. Ang pagiging Pilipino o anong 'citizenship' pa man ay may mga kaakibat na obligasyon at responsibilidad.


Mabaho at nakakahiya man ang ibang naipinta at naipahayag ng aklat na ito ukol sa mga Pilipino, naging tapat at totoo naman ito. Ang hamon ay di nagtatapos sa hiyang umusbong, kundi sa pagsusumikap ng bawat isang maging mabuti at karapat-dapat. Kung paano nga ba maging karapat-dapat, iba't iba ang batayan. Lahat may opinyon. Mahirap maging mabuti sa bawat pagkakataon. Subalit mahirap lamang ito para sa mga nagsusumikap. Sa mga umaakto at nagdedesisyon base sa kanilang mabubuting konsensya. Sa mga tapat at nananalig na hindi lahat ng Pinoy ay baliktad magbasa. (:



View all my reviews