29 October 2011

Pagpag



Ngayong gabi,
iniukit sa puso at utak na kailan ma'y hindi ka na iisipin.
At kung sakaling maglakbay man ang aking diwa at maisip ka,
aalahanin ang sakit na dinulot.
Kakamuhian ka gaya ng pagkamuhi'ng naramdaman nang
unti-unting nabatid ang umuusbong na gusto.

Gago ka.

Yun lang.

Ano ngayon kung nasaktan ako?
Pinaiyak mo lang ako,
panyo't konting singhot lang ang katapat nito.

Humayo ka.
Ako - tatayo. Babangon.
Gaya lang ng dati.

Salamat.


Kasalukuyang Pinakikinggan: "Someday" by All 4 One (The Hunchback of Notre Dame)